Taytay Haul

7:51:00 AM



Almost all of us loves to buy new clothes, sometimes its the best medicine para mawala ang stress sa life. 😎 I am a fan of buying clothes kasi feeling artista ko (kidding), feeling ko wala na ko sosootin sa mga susunod na araw. But like what I said sa previous blog ko (Trendsetter haul) ayaw kong bumibili ng expensive clothes simula nung nag babazaar ako. Kaya I always find ways kung saan makakamura pero pak na pak pa din ang ootd. 😉 Mostly bumibili ako ng clothes sa bazaar, divisoria or gh and now sobrang kinilig ako because may nadagdag na place where I can buy clothes and I am sure na madaming beses pa akong babalik dun!!!

So here's my Taytay Haul!! Taytay tiangge is located at Club manila east Taytay Rizal 😀 Hindi lang isang tiangge ang mapupuntahan mo, Yes! ang dami nila and believe me pag dating ko dun feeling ko may heart sa mga eyes ko sa saya ko kasi ang daming choices ng clothes plus literal na bagsak presyo talaga!!! 


 Here's some of the list ng Tiangge there:


Bagpi Garment Center

I think eto yung pinaka malaking tiangge around there. the schedule of bagpi tiangge is:
Monday 7pm to Tuesday 2pm
Wednesday 5pm to 12mn
Thursday 8pm to Friday 2pm
Saturday 5am to 2am


My Seoul Tiangge

Its beside Bagpi so you can easily go there before or after niyo pumunta sa bagpi. The schedule is:

Tuesday Friday 12am to 6pm
Sunday Thursday Saturday 6am to 6pm


Lastly, the club manila east tiangge original

Eto yung first tiangge na makikita niyo and here's the sched:

Monday, Tuesday, Thursday, Friday, Saturday and Sunday
5am to 7pm


Best day to go there? for me MONDAY and THURSDAY night!
why? Because the so called "BAGSAKAN" happens every mon and thurs night kaya madami ka pang pag pipilian and sulit yung punta mo kasi halos lahat ng Tiangge bukas pa! And you can also go there ng Tuesday and Friday ng madaling araw! 😋


How to get there?

Here's some of transpo na I know papunta dun

You can ride a bus going to taytay, then just tell the kundoktor na sa club manila east ka.
You can also ride a train (LRT) going to Santolan the you can ride a jeepney there going to binangonan same lang sa bus sabihin mo sa club manila east ka baba.
You can also search sa maps or waze yung place.

The land mark is: Jollibee then makikita mo yung Mcdo beside it tas lakad ko onti makikita mo yung Mang Inasal and andun na kayo! 😉


Anong meron sa taytay tiangge?

Madami as in nandon na ata ang lahat 😅 Mapa baby, girly and for boys e meron dun. Pang bahay to pang awrahan madami dun. I swear mag sasawa ka sa kakahanap ng damit. Kung ano nakikita niyong tinda sa divi/bazaar ay nako andun din sila lahat! (Karamihan daw kasi dun talaga kinukuha paninda) From cheap outfits to overruns kaya go visit na!!! At dahil nga wholesaler mga nag titinda dun sobrang mura talaga ng halos lahat at shempre mas madami ka bibilin mas mumura siya!! ipapakita ko sa inyo ang proof ko hehe kaya continue reading lang!!


Tips if you're going there:

1. Wear comfy clothes, yes comfy kasi mainit dun at expect mo ng madaming tao talaga lalo na kapag bagsakan dagsaan din ang mga tao.
2. Bring you're own ECO bag para naman hindi ka na mang hihingi ng plastic each sa mga bibilin mo dahil iaasure ko sayong hindi ka uuwi ng isang plastic bag lang mauuwi mo. Pwedeng isang plastic bag pero sobrang laki non!
3. Don't bring kids there, kasi mapapagod sila agad.
4. As much as you can wag na kayo mag bring ng car kasi wala din pag parkan dun.
5. Madaming fastfood na nakapaligid dun kaya sure na pag napagod at gutom kana may makakainan ka! (Kaso nga expect na madami ding kakain)
6. Mag baon ng maraming PASENSYA at TYAGA sa pag hanap ng mg clothes
7. Hinay hinay sa pa bili mga bessy! baka sumobra ka na sa budget mo dahil sobrang mura.
8. Extra ingat sa mga gadgets and gamit kasi nga madami tao kaya iba na ang siguradong safe sa mga snatcher hehe.


I was about to do a 2k challenge haul kaso lang ang nangyare hindi ako umabot sa 2k na plano ko kasi kulang pala napamili ko KULANG PA PALA. pati ako nagulat nung pag uwi ko kasi inexpect ko sobra ko sa 2k hindi pala. Kaya ang saya talaga 😀

And here's my HAUL!!



Unicorn Shirt: 65.00php
Shorts: 100.00php




Mermaid Shirt: 65.00php


Corgi Shirt: 65.00php



Pajamas: 100.php (each)
Gucci slippers: 150.00php



Floral top: 65.00php
High waist shorts: 250.00php



Red top: 75.00php


Black off shoulder: 75.00


Overrun top: 150.00php


Pants (idk ano tawag dito e haha): 150.00php


Mickey top: 75.00php

And that's it! TOTAL= 1,385.00PHP only!!
Natuwa ako kasi sa halagang 1,500 may sukli ka pa at ang dami mo ng nabili na pag sa mall ka nag buy e isang damit pa lang yang 1,500.  I hope you guys enjoy my haul and nakatulong manlang ako sa tipid tips niyo!! 

SUGOD NA SA TAYTAY AT MAG BUY NA NG MAGAGANDANG PANG OOTD!! 
ENJOY!! AND YOU CAN COMMENT YOUR OWN EXPERIENCE DIN SA TAYTAY. 
HAPPY SHOPPING MGA BESSY!

Til' next time 😀

Love,
Wonggay 💓



You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Twitter updates

Pinterest