SAGADA
7:47:00 AM
Akala ko dati ang Sagada para talaga sa mga taong sawi. Kasi nga diba "where do broken hearts go?" Typical Filipino, iaayon sa movie yung nararanasan at itatry sa real life baka kasi mag work. Pero mali ako, akala ko kasi magagamot ng sagada yung pain na meron ako. Pero yung totoo pala, ipapakita sayo ng Sagada kung bakit mo kailangan gamutin yung sarili mo. 😌
Pumunta ko ng Sagada, na ang tanging dala lang talaga bukod sa dami ng damit e yung pakiramdam kong napaka bigat. Isa na sigurong tulong makagaan sa pakiramdam yung "long roadtrip" yung naka upo ka lang sa sasakyan, makikinig ng music, titingin sa bintana at paliparin ang isip sa mga bagay bagay. Para mo na ring excuse yun na makatakas kahit sandali at pupunta sa ibang lugar para malibang ka. At napaka swerte ko kasi sa Sagada ako napadpad non.
Pag baba palang namin ng Van sa benguet, sinalubong na ko ng napakalamig na hangin. Oo, mas malamig pa sa feelings ko (ayt 😂). Pag baba ko natawa ko sa sarili ko, kala ko kasi handa na ako dun sa lamig sa lugar na yun. Akala ko lang pala. Dun ko lang din narealize na hindi ka naman talaga magiging handa sa mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Parang yung lamig sa Benguet, first time ko doon kaya dun ko lang nalaman yung lamig intense pala. At lesson learned yun sakin, na pag balik ko doon mas legit na pang lamig na soot ko. Higit sa lahat, napatunayan ko sa sarili kong minsan wala ka na talagang magagawa sa nangyayare, you just have to fight at enjoyin nalang. Fight na kayanin yung lamig kasi di naman na mawawala yun (ikaw nga kase mag aadjust) at enjoyin mo nalang lamig walang ganyan sa Manila.
Nag simula na kami mag tour ng araw na yun, at nung unang araw namin pumasok kami sa cave. Kung titignan mo sa taas pakiramdam mo mahirap bumaba, kahit ako napaisip kung kaya ko ba. Kasi diba anytime pwede ako madulas o mahulog don. Pero dahil sa andon nako at gusto ko maranasan yun kahit nakakatakot tinuloy ko. Oo, nag take ako ng risk bumaba at hinding hindi ako mag sisisi na nagawa ko yun. Kasi sa baba ang amazing, madami kang makikitang rock formation. Pagkatapos pag akyat mo at pag lingon mo sa baba ulit naka ngiti ka na. Kasi kahit may doubt ka nakayanan mo. Nakayanan mong sumugal para sa isang worth it na bagay. Dun ko mas nakita na sa buhay minsan akala natin hindi natin kakayanin yung pagsubok. Akala natin masyado tayong mahina para dun, pero pag sinubukan natin dun natin nakikita yung kahalagahan nung nagawa natin. Dun natin nakikita na minsan wag natin pangunahan sarili nating hanggang dito lang tayo. Kelangan nating tumaya sa buhay kung hindi man maganda naging resulta, ayos lang. Ang mahalaga naging masaya at natuto ka. 😊
Kinabukasan, maaga kaming umalis kailangan kasi naming maabutan ang sunrise. Dahil nga may bagyo, masyadong ma-fog. Sinabi na rin samin ng tao dun na baka walang sunrise at sea of clouds dahil nga ma fog. Pero nag intay parin kami, inaliw nalang namin yung sarili namin dun sa view na puno ng fog. Tapos maya maya, ayan na siya. Unti unti na nagpakita yung sea of clouds. Unti unti na pinakita yung ganda ng Sagada samin. Ang saya saya ko non, pakiramdam ko sobrang Blessed ko. 😍 Pakiramdam ko hinayaan kami ni Lord makita yung ganda ng gawa niya. Sa lugar na yon, dun ko ako nabigyan ng pagkakataon na maisigaw lahat ng nasa dibdib ko. Sa simpleng sigaw na yun, pakiramdam ko nalabas ko na lahat ng bigat sa dibdib ko. Sinigaw at iniwan ko sa lugar na yun yung bigat. 😌 Sa lugar na yun ko narealize na minsan may mga imposibleng mangyare, pinakitaan ka na ng maraming rason para sumuko. Pero anjan ka padin sinusubukang magbaka sakali, kasi alam mo sa sarili mong mangyare man o hindi ang mahalaga sumubok ka. Ang mahalaga alam mo sa saril mo kung kailan dapat ng sumuko o sumubok pa.
Sumunod na pinuntahan namin e ang lugar kung saan nakahimlay na ang mga tao katabi nito ay simbahan. Kahit simenteryo siya, hindi ka matatakot. Dun mo makikita at maaapriciate yung kultura nila sa lugar na yon. Kung paano sila gagawa ng paraan para maipakita yung paggalang nila sa mga namayapa na at kung pano nila ito nililibing.
Nag pahinga sandali, tapos pumunta na kami sa falls. Yung falls na baliktad, bago mo mapuntahan bababa ka muna ng bundok. Oo, ilang hakbang pababa at nakakapagod na ng sobra. Pero shempre worth it yung view mo sa baba. Sobrang ganda ng view along the way. Dun ko mas narealize na may mga bagay na gusto tayong makamit pero hindi pwedeng agad agad. Hindi. Katulad ng pag hilom ng sugat, hindi basta basta gagaling. May proseso at minsan napakahaba. Minsan maiisip mong itigil nalang pero dahil nga naniniwala kang may maganda tong patutunguhan lalakad at lalakad ka padin sa daan ng buhay. Habang nag lalakad ka, enjoy mo lang yung nangyayare. Kahit nasa stage ka pa ng pain ienjoy mo lang lahat. Kasi kapag nakamit mo na grabeng self fulfillment yon grabeng lesson din ang iniwan sayo non. 😊 Dun mo makikita na kahit pa gano kahaba yan, maniwala ka lang sa proseso. Darating at darating ka rin don. 😉
Kinabukasan pauwi na kami, dadaanan namin yung highest point. Bago ka makarating doon, ilang bundok muna yung dadaanan mo. Hindi ako binigo ng tanawing iyon. Grabe sobrang ganda. 😍😍 Sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Habang tinititigan ko sila sabi ko sa sarili kong sobrang galing ni Lord no? Kasi nagawa niya to. Kasi merong ganito. Bigla ko narealize, na wala naman talagang panget na ginawa si Lord. Kaya ako hindi ako panget, para rin akong isang magandang tanawin na may mag papahalaga at mag papahalaga kahit ano mangyare. Balewalain man ng iba, may handang mag alaga nito at di sasayangin. Kaya kahit na anong mangyare naisip ko sana lahat ng tao alam nila yung halaga nila kasi lahat ng ginawa Niya maganda. Sobrang ganda talaga ng tanawin, mas pinaramdam sakin kung gaano ko ka swerte sa buhay ko. Kung gaano ko ka swerte sa kung anong meron ako ngayon. 😁
Sa byaheng yon, Joiner lang kami. Oo sa van hindi namin kilala yung iba. Tatlo lang kami, pero nung pag uwi ko nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. Mga bagong tao sa buhay ko. Nakakatuwa pala no, kapag may mga bagong taong pumapasok sa buhay natin na maaamaze ka kasi out of nowhere may mag papop up talaga na bago. At aaccept mo yun ng buong puso. 💛
Nabasa mo ba lahat? May nakita ka bang nakwento kong naging malungkot ako sa tatlong araw na yon? 😊 Wala diba? 😊 Kasi yung totoo, walang oras na hindi ako masaya sa sagada. Kahit saan ako lumingon may rason ako para ngumiti at maging masaya. 💙
Pinakita sakin ng Sagada, na kaya kong harapin yung mga pagsubok na akala ko hindi ko kaya. Hindi man niya nagamot yung puso ko, pero binigyan niya ako ng rason para gamutin ko ang puso ko. Binigyan niya ko ng rason na tuwing aalalahin kong nasasaktan ako, maaalala ko rin na maraming bagay ang dapat ko pang gawin at maraming rason para maging masaya ako. 💚
Mas naging interesado ko sa sarili ko, kung hanggang saan lang ba kaya ko, kung ano pa ba yung hindi ko alam sa sarili ko. Ngayon, mas gusto ko siyang kilalanin. At mahalin ng higit pa sa kaya kong ibigay sa iba. 😊 Mas na excite ako sa mga lugar pang pupuntahan ko at mga bagay pang gagawin ko. Dahil sa iba't ibang lugar may iba't ibang ipapabaon sakin pauwi. 💜
Salamat Sagada, pinasaya mo yung puso ko. Isa ka sa hinding hindi ko malilimutang lugar. 💕
Hanggang sa muli!
Love, Wonggay 💖
0 comments