Best Face mask: Aztec Secret Indian Healing Clay

7:48:00 PM


Because SHARING IS CARING, plus napaka trendy neto tadaaaa!!! 
Say goodbye sa mga pimples and sa mga pores natin! eto na ang isang sagot sa tanong 😋



AZTEC SECRET INDIAN HEALING CLAY!! 💗
Aztec gaining popularity as the "world's most powerful facial." It comes in a powdered form that is meant to be mixed with water or apple cider vinegar. The powder is made from 100% natural calcium bentonite clay, which is known for its healing properties. And since napaka daming good reviews neto, as in wala atang panget na reviews siya kaya tinry ko and hindi ako nag sisi mamsh!! 😁 Ang lakas maka wala ng pores plus goodbye sa mga pimples na makukulit.


So here's the steps on how to use it.

Ingredients 

1 spoon of Aztec
1 spoon of apple cider or water
brush
plastic cups or bowl
plastic spoon

First thing to remember is kung gaano kadami yung Aztec niyo (for example 1 spoon) ganon din ang gawin niyong sukat sa apple cider. Pero for me, dagdagan niyo nalang ng onti pa yung apple cider para hindi ganon kabilis mag set yung aztec and hindi mahirap ilagay sa face. 

Second, you should remember to use PLASTIC bowl and spoon. Hindi po pwedeng metal dahil magkakaron ng chemical reaction hehe. Pwede naman siya gamitin sa mga babasagin pero mas madali gumamit ng plastic e ayun nalang gamitin niyo. 

Lastly, you can use any kind of brush. Yung mga hindi niyo na ginagamit pwede na yun, pero shempre pwede namang fingers niyo nalang ang ipang lagay niyo. 😊


Second step: Mix the aztec clay and apple cider on the bowl. 
Another tip, wag niyo nalang itodo na 1 spoon yung aztec since masyado siyang madami (for me) kaya ginagawa ko 1 tsp nalang mas tipid pa and kaya naman niya i occupy yung buong face ko. Then apply it to your face na. 😌


Then after niyo i apply mag maganda ka na. CHAROT. Again, you can use your fingers sa pag apply since mas tantyado niyo siya and mas madali ilagay kesa kapag gamit mo brush.

Hayaan mo lang siya mag set sa face mo. If hindi naman ganon kadami pimples mo or sensitive yung face mo istay mo lang yung mask for 5-10 mins. pero kung kaya naman or madami dami ang pimples let it stay ng 15-20 mins. 😉


Habang tumatagal you'll feel a pulling and tightening sensation. Literal na may simento ka sa muka kaya hayaan mo lang yun normal lang na ganon ma feel mo. 😊

Hindi lang siya sa face pwede ilagay. Pwede siya kahit saang parts ng body mo lalo na kung may mga pimples (that time kasi nag lagay din ako sa may dibdib ko dahil may mga pimples ako dun).

So habang nag wawait kayo ng 20 mins. mag painit na kayo ng water, yep kelangan mo yun!

After 20 mins....

Warm water po ang ipang babanlaw mga besh. yep, since may simento ka nga sa muka (haha) mahirap siya tanggalin and mas madali kapag warm water para matunaw din agad siya sa muka mo. Then banlaw ka na. 


After mo mag banlaw may makikita kang red spots or namumula na talaga muka mo. Okay lang yan ganon talaga yun normal pa naman siya. And para mas sure kayong sarado na lahat ng pores niyo after niyo mag banlaw ng warm water, banlaw nalang din kayo ng cold water.

Tapos after niyo mag banlaw you can put your moisturizer. any moisturizer will do! Para mas fresh and pak ang beauty mo!


FINISH PRODUCT!!
Ang laka maka fresh and pag hinawakan mo face mo mas malambot pa sa unan mo 😂 Para kang humahawak sa cheeks ng baby. HAHA. And mapapansin mo kasi talaga siya na sarado mga pores mo! Kaya matutulog ka palang feeling pretty ka na agad. 😎


As you can see namumula pa noo and nose ko jan hehe. Normal lang yan na mamumula until 30 mins after mo mag banlaw.

WHERE TO BUY?
 Sobrang hirap humanap dahil nga in demand siya ngayon kaya tyaga lang sa pag hanap nga besh. You can buy sa Healthy Options. You can visit their sites para check kung saang mga branch meron neto. 525 pesos na siya now. Mejo pricey pero WORTH IT NAMAN.

TIP: Tawag muna kayo branch na pupuntahan niyong healthy options tas ask niyo kung available pa yun dahil mahirap talaga humanap and ubusan siya. Para hindi masayang effort niyo beshy :)

HOW MUCH?
Ulitin ko po 525 po ang isang tub. And madaming gamitan na siya and kaya mo siyang tipirin. Kaya sulit na yung 525 po!

TUWING KELAN LANG SIYA GAGAMITIN?
you can use it once a week! Sapat na yun. Pero pwede naman siyang twice. 



I highly recommend this Facial Mask kasi swear lakas maka extra ganda and fresh sa face. Im not sure kung nakaka tanggal siya ng pimple marks eh hehe. Plus Im not sure kung effective siya sa lahat ng tao baka kasi sa iba hindi. Pero di masamang mag try. 😁

If you guys have questions, feel free to ask me! 😋

RATE:
Aztec Healing Clay 💛💛💛💛💛




THANK YOU FOR READING THIS!!!
Til next time guys.
LOVE,
WONGGAY 💘

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Twitter updates

Pinterest